Linggo, Oktubre 12, 2014



                  Guro ang naging gabay ko

Minsan sa buhay ko nagkaroon ako ng isang guro na naging inspirasyon ko .Ang guro na may lakas na loob para baguhin ang sarili ko at guro na nagpapakita ng halaga sa lahat ng ginagawa ko.Noon nabubuhay ako  na parang walang pangarap, walang pakialam kong ano man ang aking patotonguhan .Pero nang nagkaroon ako ng isang guro na nagpakaina sa aming lahat nag iba ang pananaw ko sa buhay.Nagkaroon ako ng positibong pananaw at natoto akong lumikha ng sarili kong pangarap , pangarap na bumubuo ng aking pagkatao. Ang taong tinotukoy ko ay ang naging guro ko noong nas ika labing apat na taon ako sa secondarya . Siya ang tumayong ina naming lahat  siya rin ang nagbibigay inspirasyon sa akin at higit sa lahat siya ang naging ilaw sa madilim kong daan .Tinonolongan niya ako kong paano maging matatag at magkaroon ng determinasyon  upang abutin ang pangarap na nasimulan kong itayo. Lahat ibibigay nya magkaroon lang kami ng magandang kinabukasan.Siya ang guro  maging  inspirasyon  ko  habang buhay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento