Linggo, Oktubre 5, 2014

Ang batas ng mamamayan

Ang batas ng mamamayan

Isang magulo, walang direksyon at kaayusan ang mga bagay-bagay sa kapaligiran. Mangingibabaw ang karahasan ang katiwalian . Kabi kabila ang pagsasamantala at laganap ang krimen . Kong sino ang makapangyarihan  at masalapi siya ang makapaghari
        Ang ganitong senaryo ay maaring itulad sa isang  kagubatan pinanirahan ng ibat-ibat hayop, mabababgis at maamo, kong sino ang malaki at malakas siyang kinikilalang hari. Walang batas na sinusunod ‘’matira ang matibay’’ prensepyo di naaayon sa kultura’t paniniwala kinagisnan ng tao.
        Magiging maayos ,tahimik at masagana ang isang bansang may pinaiiral na batas . Napakahalagang sangkap nito  sa pamahalaan ano paman ang uri nito . nagsisilbi itong tagapag ugmay ng pamahalaan at mamamayan . Patnubay rin ng tao ang batas sa kanyang pang araw-araw na Gawain at tungkulin . Pinoprotiksyonan din nito ang buhay kaligtasan at aria-arian pribado man o pagmamy ari ng pamahalaan upang makapamuhay ng matiwasay .Ang mga batas na pinatupad ay depende sa pangangailangan , Kalagayan at prayoridad ng nga mamamayan sa isang lipunan kaya nagkakaiba rin ito sa nais ng tagapagpatupad  ta tagasunod . Ilan sa mga batas ay tungkol  sa kabuhayan , kaunlaran , Kalusugan , Pangangalaga sa kalikasan , trapiko , problima sa pagtatapon ng basura at marami pang iba .
        Walang sinuman  ang maaring magtamo ng kapakipakinabang pansarili o panigan ng mgaitinakdang batas sapagkat lagi nitong isinasaalang alang ang kapakanan  ta kabutihan ng bawat tao . Ang sino mang lumabag o sumuway ay maaaring lapatan kaukulang parusa naayon sa batas .
        Ang pagapapatupad ng batas ay nakasalalay sa mga kamay ng pinuno ng bayan at pakikiisa ng mga mamamayan . Sa kabila ng nga pribilihiyong natatamo . Sa pagpapairal sa batas inanasahan ang pagalang at pagkilala nito upang di mawalan ng saysay ang pagsisikap ng pamahalaan.

        

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento